Shopping Cart
Your Cart is Empty
Quantity:
Subtotal
Taxes
Shipping
Total
C L U B R U L E S
Membership Eligibility
Kahit anong edad at kasarian ay maaaring maging miyembro ng Club.
Airline Survey
1. Lahat ng miyembro ay kailangang may Airline Survey o sukat gamit ang GPS (Global Positioning System) upang makalaro sa BFRC.
2. Ang mga airline survey ay maaaring galing sa BFRC o sa ibang club na aprubado ng Club.
3. Ang loft na inilipat ng 35 metro o higit pa ay kailangang sukatan muli.
Race Seasons
Sa bawat taon, dalawa hanggang tatlo ang race seasons ng Club:
1. South Regular Race (Enero-Marso)
2. South/North Summer Race (Abril-Hunyo)
3. North Regular Race (Oktubre-Disyembre)
Derby and Training Schedule
1. Ang isang derby ay maaring lima hanggang pitong laps.
2. Ang training ay nagsisimula anim hanggang sampung linggo bago ang simula ng derby.
3. Ang schedule ay maaring magkaroon ng pagbabago alinsunod sa desisyon ng BFRC Team base sa mga sumusunod:
a. Masamang panahon sa place of liberation sa araw ng release
b. Pagkansela ng schedule ayon sa weather forecast para sa araw ng release
Race Categories/Divisions
Ang mga sumusunod ay mga categories na maaaring laruan ng kalapati sa isang race season:
1. Derby – ito ang race proper
a. Young Bird Series (YB) – mga kalapati na ang ring band numbers ay kasama sa series ng nasabing BFRC race season
b. Old Bird Series (OB) – lahat ng kalapati basta may ring band number, mula sa BFRC man o sa ibang club.
- ang naka entry sa YB ay maaaring ilaro sa OB.
c. Superset Category (SC) – lahat ng kalapating naka-entry sa YB at live o walang butas.
- minimum na 10 live birds ang basehan para matapos ang category na ito.
- ang ibon na hindi nai-basket ng isang beses ay awtomatikong disqualified na sa category na ito.
d. Triple Crown (TC) – mga kalapati na lalaban sa huling tatlong lap ng race season
e. Auction (AUC) – mga kalapati na kasali sa huling dalawang lap
2. Fun Race (FR) – ito ay race bago matapos ang training. Maaaring kabilang ang unang lap sa derby
3. Sprint Race (SR) - ito ay malapitan na race sa kalagitnaan ng training
Loading Area
Sa panahon ng training, may iba’t ibang basketing areas na dadaanan ang truck. Bawat basketing area ay may nakatalaga na BFRC Team Member. Nakalagay ang mga detalyeng ito sa Derby & Training Schedule na nirerelease ng Club bawat race season.
Race Entry
1. Ang lahat ng kalapati ay kinakailangang nakapangalan sa tunay na may-ari ng loft nito. Kung ito ay Combine Loft, kailangang iparehistro ito ng magkasama.
2. Ang lahat ng kalapati ay dapat umuuwi sa loft na nakarehistro.
3. Ang mga kalapating nahuli na may panlarong singsing ay maaari lamang ilaro sa karera kung ito ay may pahintulot ng tunay na may-ari. Ang BFRC Team ay may awtoridad na humingi ng katibayan sa manlalro na ito nga ay may pahintulot ng tunay na may-ari.
4. Ang mga kalapating walang singsing, biyak ang singsing at peke ang singsing ay hindi maaaring ilaro sa karera.
5. Hindi maaaring ilaro ang mga kalapating may nakakahawang sakit.
6. Ang mga maaari lamang maglaro sa karera ay ang mga miyembrong bayad sa lahat ng bayarin sa club.
7. Walang limit ang bilang ng kalapating maaaring ilaro ng isang miyembro o loft.
Countermarking
1. Ito ay isinasagawa lamang sa mga official loading areas na nakasaad sa Race Schedule.
2. Lahat ng mga miyembro at ang kanilang mga kalapati ay kinakailangang nasa takdang oras at loading area na ibinigay ng club para sa countermarking.
3. Ang miyembro na darating ng lampas sa nakatakdang oras ay disqualified kaagad sa naturang lap. Dapat 10 PM ay nasa Pulilan Loading Area na.
4. Kailangang nakasulat ng tama at malinaw ang mga detalye sa Race Entry Form dahil dito naka base ang record ng bawat ibong naka entry.
5. Awtorisadong tao lamang ang maaaring maglagay ng countermark sticker sa Race Entry Form.
6. Members ng BFRC Team at mga nakatalagang tao lamang ang maaaring humawak sa ibon kapag ito ay may sticker na maliban na lamang kung may pahintulot sa BFRC Team.
7. Ang ibon na naka-entry sa Derby at hindi nai-basket sa anumang kadahilanan ay hindi na kasali sa Superset at
8. Naka-video ang countermarking ng mga contenders sa huling dalawang lap ng race season. Naka upload ito sa website.
Conveying and Liberating of Birds
1. Ang BFRC Truck ang opisyal na gagamitin sa pagbyahe at pagpapakawala sa mga ibon.
a. Ito ay may pitongng palapag at naka equip para mapakain at mapainom ng mabuti ang mga kalapati habang byahe patungo sa liberation point.
b. Ang mga nakasakay dito ay ang 2 driver at 1 conveyor kapag derby, 1 driver at 1 conveyor kapag training.
c. Ang BFRC Truck ay sinea-seal kapag may laban o derby.
2. Ang mga ibon ay pakakawalan lamang sa nakatalaga na liberation point maliban na lamang kung:
a. Habang training at masama ang panahon sa release point, ang truck ay ibababa hanggang makahanap ng lugar na may maaliwalas na panahon at doon pakakawalan ang mga ibon. Kung sakaling umabot sa Bulacan ang pagbaba ng truck, sa Pulilan na irerelease ang mga ibon.
b. Kung sakaling masiraan ang truck, doon pakakawalan ang mga ibon, laban man o training. Ang kukunin na sukat ay kung saang bayan pinakawalan.
3. Kung maganda ang panahon sa race point at may madadaanan na lugar na masama ang panahon, ang mga ibon ay pakakawalan pa rin.
4. Kung walang storm signal sa Race Point, may hold-over na maximum na 2 oras. Kapag hindi pa rin gumanda ang panahon, i-rerelease ang mga ibon kahit malakas ang ulan.
5. Kung may storm signal sa Race Point, ibaba ang truck at idedeklarang CANCELLED RACE ang naturang lap.
6. Tanging ang Presidente ng Club o awtorisadong representative lamang ang maaaring makipag communicate sa Conveyor habang ito ay naka-duty kasama ang mga naka-entry na kalapati.
7. Naka video ang bawat release ng mga kalapati. Ito ay makikita sa website ng Club.
8. Sa huling dalawang laps, kailangang magpadala ng isang convoyer ang mga contenders. Ang convoyer na ito ang kakatawan sa lahat ng contenders kaya dapat na pagkasunduan ng mga contenders sino ang ipasasama sa truck at dapat ay pinagkakatiwalaan nila ang taong ito. Ang hakbang na ito ay dagdag na proteksyon sa mga ibon na naka-entry lalo na sa mga contenders. Ito rin ay para mapangalaan ang pangalan ng BFRC at ang pamunuan nito mula sa hindi magandang kwento sakaling delayed ang uwi o may hindi nakauwing ibon.
Clocking of Birds
1. Ang SMS Clocking System ang opisyal na ginagamit ng BFRC para malaman ang bawat kalapating nag-clock sa isang lap. Awtomatiko nitong kino-compute ang speed ng bawat ibong naka-entry at nag-clock.
2. Disqualified ang entry kapag mali ang pagkakatext ng outer o inner codes.
3. May SMS LOGS ang clocking system. Dito kukunin ang official clocked time kung may human error sa pag-encode ng outer sa system.
4. Kung nagkaproblema ang system, ang oras ng text sa back-up number ang kukunin. May dagdag na 3 minuto kapag ang oras sa back-up ang gagamitin na official clocked time.
5. Kukunin lamang ang oras sa back-up number kung may problema ang system sa araw ng race.
6. Kung nagkaproblema ang system at hindi nakapag text sa back-up number, wala ng ibang basehan ng oras ng uwi ng ibon.
7. Tanging ang oras sa SMS Clocking System at Back-up Number lamang ang maaaring pagbasehan ng clocked time ng isang ibon.
8. Papasok lamang ang clocking sa system at back-up number kung nakarehistro ang mobile number sa iyong member number.
9. Ang access number at back-up number na nakasaad lamang sa SMS Clocking Guidelines ang maaaring sendan ng outer-inner codes. Awtomatikong disqualified ang clocking entry kapag sinend sa number/s na hindi nakasaad sa Guidelines.
10. Kung ang kalapati ay umuwi na kaduda-duda ang resulta ng oras ng dating nito, ito ay susuriin o iimbestigahan ng BFRC Team ang nasabing kalapati at ang may-ari nito.
11. Ang kalapating umuwi ng walang sticker band ay dapat dalhin sa itinalagang komite bago ang cut-off time. Awtomatikong magiging speed nito ay 700 m/s.
12. Ang bawat kalapating isinali ay kinakailangang umuwi sa kanya-kanyang loft at kung hindi ito ay awtomatikong disqualified na sa nasabing karera.
13. Lahat ng bababa sa Standard Speed na 700 meters/second ay disqualified na sa nasabing lap.
14. Basahin ang SMS Clocking System Guidelines.
Race Result
1. Ito ay naglalaman ng mga sumusunod na detalye bilang minimum:
a. Lahat ng kalapati na umabot sa cut off o may speed na 700 m/s pataas.
b. Member/Loft Name
c. Airline distance ng manlalaro
d. Ring band number ng kalapating nag clock
e. Oras na nag clock ang kalapati
f. Speed ng kalapating nag clock sa meters per second
g. Bilang ng kalapati na inilaban sa bawat category
2. Ang Partial-Unofficial Race Result ay pino-post sa website sa loob ng 48 oras mula sa oras ng liberation.
3. Ang Official Race Result ay pinopost sa loob ng 5 araw mula sa oras ng liberation maliban na lamang kung nagkaroon ng problema ang SMS Clocking System.
4. Unofficial at unvalidated ang result na nasa SMS Clocking website.
5. May print out ng Race Result ng nakaraang lap at Summary na ipinapakita tuwing basketing.
6. Ang lahat ng miyembro ay bibigyan ng tatlong araw mula sa paglalabas ng race result sa website para magreklamo o maghabol sa naganap na karera. Anumang reklamo pagkalipas ng limang araw ay hindi na i-entertain at ang race result ay idedeklarang official at final na.
7. Ang mapapatunayan na may ginawang pandaraya sa kahit anong paraan ay disqualified na sa naturang race season pati ang kasabwat sa pandaraya. Ang lahat ng entries ng nandaya at kasabwat nito ay tatanggalin na sa race results ng nasabing season.
a. Maaari rin masuspende (hindi papayagang makapaglaro) ang nandaya at kasabwat nito ng isa o higit pang race seasons pagkatapos ng pandaraya.
b. Maaari rin ma-ban sa BFRC (hindi na papayagang makapaglaro kahit kailan) ang nandaya at ang kasabwat nito.
c. Maaring may iba pa o karagdagang penalties sa pandarayang ginawa ng nandaya at kasabwat nito. Ang final na desisyon ay magiging alinsunod sa mapagkakasunduan ng pamunuan ng BFRC sa panahon na nangyari ang pandaraya.
Tossing of Race Birds (Loft Visit)
1. Ito ay isinasagawa sa araw ng karera o isang araw pagkatapos ng karera, sa loft ng nanalong kalapati. Ito ay upang masigurado na sa tamang loft umuwi ang nanalong kalapati.
2. Ang ibon na napatunayang hindi umuwi sa nakarehistrong loft ay disqualified na sa buong race season.
3. Sino mang member ang nagnanais na i-verify ang kalapating ginamit kung talagang ito ay sa may-ari ay kinakailangang magsumite ng request sa loob ng tatlong araw matapos ang opisyal na resulta ay mailabas upang malaman kung ito ay talagang umuwi sa rehistradong loft.
Time Out for Darkness (Dead Time)
1. Sa panahon na dalawang araw ang karera, ang oras sa pagitan ng sunset and sunrise times ay tinatawag na "dead time."
2. Ang ibon na nag clock bago mag hatinggabi habang dead time ay mabibilang sa unang araw na nag clock. Ang ibon na nag clock pagkatapos ng hatinggabi ay mabibilang na sa pangalawang araw na nag clock.
3. Ang SMS Clocking System ay awtomatikong nagcocompute ng simula at tapos ng “dead time” dahil awtomatik rin ang sunset at sunrise time na naka enter sa system.
Show Bird
Ito ay isinasagawa tuwing huling lap. Lahat ng nakauwing kalapati bago ang cutoff time nito ay dapat dalhin sa base ng Club sa Pulilan, Bulacan sa araw ng karera lalo na ang mga contenders.
Awarding of Prizes
1. Ang trophy at diploma ay ia-award lamang sa pangalan ng rehistradong manlalaro.
2. Ang Awarding Ceremony ay gaganapin 2 hanggang 3 linggo matapos ang karera.
3. Ang lahat ng premyo ay ire-release lamang sa araw ng Awarding
Access Numbers: 2800 GLOBE & 9301 SMART
1. IREHISTRO AGAD LAHAT NG GLOBE AT SMART MOBILE NUMBERS:
TEXT FORMAT: CLOCK BFRC<space>REG<space>MEMBER_NUMBER
SAMPLE: CLOCK BFRC REG 09000
Reply na dapat matatanggap:
BFRC: Juan Dela Cruz, Thank you for registering to BFRC clocking system.
Kung dati ng nairehistro ang mobile number sa BFRC, ganito ang matatanggap:
BFRC: this mobile [9178881800] is already registered to [Juan Dela Cruz], text BFRC UNREG to unregister, text BFRC HELP for more keywords.
2. MAG TEXT AGAD PAGDATING NG IBON:
TEXT FORMAT: CLOCK BFRC<space>OUTER<space>INNER
SAMPLE: CLOCK BFRC A876 5432
Ang reply na dapat matanggap:
BFRC Clock-[BFRC A876 5432] Time:2010-04-11 08:30:15, Released:2010-04-11 06:30:00, Race Point:Bayombong, Nueva Vizcaya, Lap:1, Loft: MOTORSTAR LOFT, Distance:149370.05, Flight:0:2:0:15, Minutes:120.25, Pigeon ID: BFRC 3900001, Speed:1242.163
3. KUNG SIGURADONG TAMA ANG TINEXT NA OUTER-INNER CODES NGUNIT WALANG REPLY:
a. Magtext agad gamit ang ibang network upang hindi masayang ang clocking.
b. Kung wala pa ring reply, magtext sa Back-Up Number 0927.230.5466.
TEXT FORMAT: CLOCK BFRC<space>OUTER<space>INNER
SAMPLE: CLOCK BFRC A876 5432
· WALANG REPLY na matatanggap dahil regular na mobile number ang Back-Up Number.
IMPORTANTE:
1. Ang SMS Clocking System ang opisyal na ginagamit ng BFRC para malaman ang bawat kalapating nag-clock sa isang lap. Awtomatiko nitong kino-compute ang speed ng bawat ibong naka-entry at nag-clock.
2. Disqualified ang entry kapag mali ang pagkakatext ng outer o inner codes.
3. May SMS LOGS ang clocking system. Dito kukunin ang official clocked time kung may human error sa pag-encode ng outer sa system.
4. Kung nagkaproblema ang system, ang oras ng text sa back-up number ang kukunin. May dagdag na 3 minuto kapag ang oras sa back-up ang gagamitin na official clocked time.
5. Kukunin lamang ang oras sa back-up number kung may problema ang system sa araw ng race.
6. Kung nagkaproblema ang system at hindi nakapag text sa back-up number, wala ng ibang basehan ng oras ng uwi ng ibon.
7. Tanging ang oras sa SMS Clocking System at Back-up Number lamang ang basehan ng clocked time ng isang ibon.
8. Papasok lamang ang clocking sa system at back-up number kung nakarehistro ang mobile number sa iyong member number.
9. Globe at Smart Numbers lamang ang maaaring gamitin sa pag-clock ng ibon.
10. Space ( ), asterisk (*) at number sign (#) ang separators na maaaring gamitin sa pagtext ng outer-inner codes.
11. Bawat text ay 2.50 pesos. Siguraduhin na may regular load sa araw ng karera.
12. Habambuhay na nakarehistro ang mobile number sa iyong member number.
13. Ang sumusunod sa rules ay kampante na nasa Race Result ang clocking niya kahit nagka problema ang SMS Clocking System.
Magsabi na wala ang clocked entry KAPAG NAKA-POST na
ang UNOFFICIAL RESULT sa BFRC WEBSITE.
Isend: Member/Loft Name, Pigeon ID, Outer-Inner Code, Mobile Number na pinangtext para mabilis mahanap ang entry
BFRC Team: 0927.230.5466***[email protected]***BFRC Facebook
UNOFFICIAL RACE RESULT: bfrcphil.webs.com (within 48 hours)
OFFICIAL RACE RESULT: bfrcphil.webs.com (within 5 days)
SMS CLOCKING SYSTEM SITE: yonapro.com
SMS FORMAT & KEYWORDS:
CLOCK BFRC REG MEMBER_NUMBER Magrehistro ng mobile number
CLOCK BFRC RELEASE Oras ng release
CLOCK BFRC CUT-OFF Oras ng iyong cut-off
CLOCK BFRC FORECAST Estimated arrival ng ibon
CLOCK BFRC RESULT Top 10 Unofficial Race Result
CLOCK BFRC HELP Iba pang keywords